News

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2025: Wika at Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan

SEP 04

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2025: Wika at Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan

Matagumpay na naipagdiwang ng kagawaran ng Elementarya ang pagtatapos ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2025 na may temang “Wika at Kasaysayan: Kabilin sa Kabataan, Daan sa Pananampalataya, Pag-asa, Pag-ibig, at Pagkakaisa.” Sa iba’t ibang gawain tulad ng mga paligsahan, pagtatanghal, at pagsusuot ng kasuotang Pilipino, ipinakita ang kahalagahan ng wikang Filipino at kasaysayan bilang matibay na haligi ng ating kultura at pambansang identidad. Naging pagkakataon din ito upang ipamana sa kabataan ang aral ng nakaraan—na ang wika at kasaysayan ay hindi lamang alaala, kundi ilaw at gabay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. Itinampok din ang panawagang palaganapin ang pananampalataya, pag-asa, pag-ibig, at higit sa lahat, pagkakaisa—mga halagang pinagtitibay ng ating sariling wika at kasaysayan. Sa pagtatapos ng buwan, dala ng bawat isa ang inspirasyong ipagpatuloy ang pagmamahal sa sariling wika at pagbabalik-tanaw sa kasaysayan—bilang pamana para sa kabataan at susi sa mas makabuluhang bukas para sa bayan.

 

Isinulat ni: Mrs. Rebeca Marie N. Veloso